“The true measure of our success is not in plans, but in impact. When our programs are felt, when lives are changed, and then hope is restored, then we know we are on the right track,” wika ni Vice Mayor Mark Calixto mula sa mensahe ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano sa pagpupugay sa watawat na pinangunahan ng Urban Development and Housing Office (UDHO), Abril 20, 2026.
Ibinahagi ni Vice Mayor Mark ang mensahe ni Mayor Emi kung saan nagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat sa Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at kanyang tanggapan sa pagpapadala ng gulay upang makatulong kapwa sa mga barangay at mga magsasaka na parehong naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produkto petrolyo at bilihin.
Dagdag pa ng Bise Alkalde ang pakikiisa ng lungsod sa Metro Manila Safer Plan kung saan nagsagawa ng Safer Cities Operation at Operation Bulabog magkakatuwang ang DILG, PNP at lokal na pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat Pasayeño at mapanatili ang kaayusan ng lungsod umaga man o gabi.
Kinilala ni Mayor Emi, batay sa mensaheng binasa ni Vice Mayor Mark ang UDHO na anya ay instrumento ng Pasay LGU sa pagbibigay ng ligtas, desente at may dignidad na tahanan para sa bawat taga-Pasay sa ilalim ng H.E.L.P. Priority Agenda ng Punong Lungsod.
Sa pagtatapos ay inanyayahan ni Vice Mayor Mark ang bawat kawani na magbigay ng Tapat at Higit sa Sapat na Paglilingkod nang may ngiti, may sigla at may malasakit na “deserve” ng bawat Pamilyang Pasayeño.
