Trabaho Pasayeño: SM Appliance Center

April 19, 2026
Trabaho Pasayeño: SM Appliance Center
SM Appliance Center job interview announcement for Pasay City residents.

TRABAHO PASAYEÑO: SM APPLIANCE CENTER

Ang PESO – PASAY ay nagaanyaya para sa In-house Interview kasama ang SM APPLICANCE CENTER bukas, Abril 20, 2026 mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon sa PESO Office, Silid 310, Ikatlong Palapag ng Bulwagang Pampamahalaan ng Pasay. Huwag kalimutang magdala ng updated resume, sariling ballpen at magsuot ng angkop na kasuotan para sa interview.

Ang programang ito ay bahagi ng H.E.L.P. Priority Agenda ng Ina ng Lungsod ng Pasay, Mayor Emi Calixto-Rubiano.

I-follow at bisitahin ang official Facebook Page ng PESO – PASAY para sa iba pang impormasyon at detalye.