SPES Orientation, Isinagawa

April 28, 2026
SPES Orientation, Isinagawa
SPES orientation: Attendees and guests form heart shapes with hands.

Pinangunahan ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano at Cong. Tony Calixto ang orientation para sa Special Program for Employment of Students (SPES), Abril 27, 2026 katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) at Department of Labor and Employment (DOLE) na ginanap sa Pasay City Astrodome.

“Malaking tulong ito, dahil we are able to train our PasayenYOUTH para sa kanilang pagpupursige na maabot ang kanilang pangarap, at syempre, ang pangarap nila na mga oportunidad para sa kanilang mga minamahal. Dahil ang ating mga PasayenYOUTH ay Educated, Motivated, and Inspired (EMI),” ani Mayor Emi sa kanyang mensahe.

Isangdaan at limampung Kabataang Pasayeño ang nabigyan ng pansamantalang trabaho sa Pasay City Hall sa loob ng 20 araw.