Semana Santa 2026 Update

April 1, 2026
Semana Santa 2026 Update
pasay-city-updates-semanasanta2026-01

MGA HAHABOL SA Semana Santa 2026 DAGSA SA MGA BUS TERMINAL SA PASAY

Dagsa na sa mga bus terminals sa Buendia at EDSA ang mg pasaherong uuwi sa probinsya para sa Semana Santa, kaya naman naka-alerto ang buong Lungsod ng Pasay sa pamamagitan ng inter-agency na pinakilos ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Narito ang mga hakbang na isinasagawa para sa kaligtasan at kaayusan:

Pasay PNP – Naka-deploy para sa crowd control at seguridad

DRRMO – Naka-standby para sa anumang emergency response

Traffic Management Office – Nagsasaayos ng daloy ng sasakyan sa paligid ng mga terminal

City Health Office – Nagbibigay ng first aid at tulong medikal

BFP – Nagsasagawa ng safety inspections at fire prevention measures

Barangay Officials – Kasangga sa pagtulong at pagbabantay sa mga lugar

Pinatitiyak ni Mayor Emi ang matiwasay at ligtas na biyahe ng publiko. Bukod dito, nakataas din ang Blue Alert Status sa buong lungsod upang laging handa ang lahat ng disaster at emergency response teams sa mga pampublikong lugar. Bukas din 24/7 ang Emergency Operations Center (EOC) ng Pasay LGU para sa pangangailangan ng publiko.

Ligtas na biyahe, mga Ka-Pasay!