Pasay PNP, Nagsagawa ng Safer Cities Operations

April 18, 2026
Pasay PNP, Nagsagawa ng Safer Cities Operations
Pasay PNP conducting Safer Cities Operations, with officers lined up at night.

Bilang pagtugon sa Metro Manila Safer Plan ng DILG at PNP katuwang ang Lungsod Pasay sa pangunguna ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano ay nagsagawa ng Safer Cities Operation at Oplan Bulabog kagabi, Abril 18, 2026 ang kapulisan mula sa Pasay City Police Station sa pamamagitan ng Substation 3 (Libertad) sa Brgy. 86 kasama ang mga opisyal ng lungsosd at barangay.

Layon nitong mapaigting ang anti-criminality efforts, maipatupad ang batas at mapanatiili ang kaayusan sa lungsod sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga awtoridad.