Kasalukuyang isinasagawa ang pagsasaayos ng drainage system sa kahabaan ng Park Avenue mula Galvez hanggang Libertad St. Dahil dito, pansamantalang isinara ang lugar habang isinasagawa ang pagsasaayos. Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan muna ang pagdaan dito, sa halip ay humanap ng alternatibong madadaanan.


