Clearing at Cleaning Sa Simula Ng Buwan Ng Abril

April 7, 2026
Clearing at Cleaning Sa Simula Ng Buwan Ng Abril
Street market scene with vendors, produce, and a man carrying a wooden crate.

Sa pagsisimula ng buwan ng Abril ay nagpatuloy ang operasyon ng BARCO sa pangunahing lansangan sa lungsod tulad mg Taft, Buendia at Roxas Blvd., Abril 6, 2026.

Hinakot ng grupo ang mga basura na ginamitan ng compactor truck upang masigurong nakuha ang lahat ng kalat na iniwan. Isinagawa rin ng operasyon sa paghuli ng mga kolorum na sasakyan at mga ilegal na nakaparada sa naturang mga daan.

Inaasahan ng Pasay LGU na makikiisa sa kalinisan ang bawat Pasayeño dahil ang kalinisan at kaayusan ay pananagutan ng kapwa pamahalaan at mamamayan.