PUBLIC ADVISORY: WATER SERVICE INTERRUPTION
Inaabisuhan ang mga Pasayeño na magkakaroon ng mahina hanggang sa pagkawala ng suplay ng tubig hanggang mamayang alas-11 ng gabi, Abril 12, 2026 sa mga sumusunod na barangay sa Lungsod Pasay: Brgys. 28, 30, 76, 145 hanggang 153, 155, 159, 161 hanggang 163, 165 to 167, 169, 171 hanggang 175, 178, 179, 181, 184, 186 hanggang 190, 192, 193, 195, 198 at 199.
Ito ay dulot ng emergency repairs sa major pipeline sa panulukan ng Sta. Maria at Coral Street sa Tondo, Lungsod ng Maynila. Magpapadala ng water tankers sa pagkakataong kakailanganin ito bunga ng kakulangan ng suplay ng tubig.
Ang abisong ito ay mula sa Maynilad Water Services, Inc.
