Tapat at Higit sa Sapat na Paglilingkod

April 6, 2026
Tapat at Higit sa Sapat na Paglilingkod
pasay-city-mayors-desk-tapat-at-higpit-sa-sapat-na-paglilingkod

“We have proven this time and again na kapag tayo ay nag-collaborate, we are more efficient, meaningful at impactful (EMI). Three concepts na sumasailalim sa ating Tapat at Higit sa Sapat na Paglilingkod,” wika ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano sa pagpupugay sa watawat na pinangunahan ng City Secretariat, Abril 6, 2026.

Binati ni Mayor Emi ang bawat isa sa pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Inanyayahan niya ang lahat na gawing halimbawa ang pagkabuhay upang patuloy na bumangon upang magbigay ng Tapat at Higit sa Sapat na Paglilingkod.

Pinasalamatan ng Punong Lungsod ang Office of the City Secretary sa pagsiguro na ang mga ordinansa at panukala ay maayos na napapakinabangan ng bawat Pasayeño.

Binigyang-diin ni Mayor Emi ang collaboration, communication, coordination at commitment kung saan nagiging instrumento ito upang mapaganda ang serbisyong inihahatid sa mga mamamayan sa pamamagitan ng efficient, meaningful at impactful na mga proyekto. Dagdag pa niya nagiging tuloy-tuloy, makabuluhan at nakapagbibigay ito ng pantay na pagkakataon sa bawat isa upang maka-ahon sa hirap at makaranas ng ginhawa sa buhay.