REPUBLIKA NG PILIPINAS
PAMAHALAANG LUNGSOD PASAY

Maligayang Pagdating sa Lungsod-Paglalakbay ng Pilipinas!


Bilang parte ng aming pangako sa isang gobyernong tapat, responsable, at mabilis na umaksiyon, nais naming ibahagi ang panlahatang pagsisikap ng pamahalaang lokal, stakeholders, at ng Pasayeños para sa patuloy na paglago at pag-unlad ng ating lungsod.

Ang Lungsod Pasay, bilang tahanan ng maraming hotel, casino, restaurant, pamilihan, at namumukod-tanging convention center sa mundo, ay nag-aambag ng malaking bahagi sa mga gawaing panturismo at iba pang events sa Kalakhang Maynila. Sa gitna ng modernisasyon at pag-unlad ng imprastraktura, nananatili tayong matatag sa ating pangakong magbigay ng mahusay na serbisyo publiko para sa patuloy na pag-unlad ng lungsod, tungo sa kapaligirang nagbibigay-daan para sa progresibo at mas pinalakas na Pasayeños.

Alamin pa ang ilang mga bagay tungkol sa ating minamahal na lungsod - ang profayl nito, transpormasyon, mga serbisyong pampubliko, kultura, at mga atraksiyon. Halina at bisitahin ang Lungsod Pasay at nang maranasan ang aming pambihirang hospitalidad at ang "Tapat Kayong Pinaglilingkuran" na tatak ng serbisyo ng pamahalaang lokal. Tuklasin at lasapin kung bakit ang Lungsod Pasay ay hindi lamang pangunahin at namumukod tanging daan sa paglalakbay ng bansa, kun’di isa mismong destinasyon. Tandaan lamang: "Sa Pasay, bawal ang pasaway."

- Alkalde Imelda “Emi” Calixto-Rubiano

COVID-19 Update

MATUTO PA

Full Disclosure Policy

MATUTO PA

Mayor Emi Calixto-Rubiano

MATUTO PA

Safety Seal

MATUTO PA

PAANO NAMIN KAYO MATUTULUNGAN?



MGA NALALAPIT NA KAGANAPAN AT PROGRAMA

Napapaisip ka ba kung anong inihanda ng ating Pamahalaang Lungsod para sa iyo?

Tignan ang ating kalendaryo ng mga aktibidad upang masubaybayan ang mga kaganapan at mga programa para sa mga Pasayeño. Ang mga ito ay inorganisa ng iba’t ibang kagawaran/tanggapan ng Pamahalaang Lungsod upang mas mabilis na maiparating ang kani-kanilang mga serbisyo. Kaya’t huwag palampasin ang pagkakataong mapakinabangan ang mga serbisyong ipinaaabot sa inyong mga baranggay, tamasahin ang

MATUTO PA

MGA BALITA AT APDEYT

Sa patuloy na pagbabago ng ating kapaligiran, manatiling maalam sa mga pinakabagong balita, mga developments, mga isyu, at impormasyong kailangang maunawaan ng mga Pasayeño kaugnay sa ating lungsod. Ito ay hindi lamang para maging apdeyted sa mga pangyayari na nakakaapekto sa ating komunidad; bagkus ang pagkakaroon ng kamalayan ay makakatulong din sa pagbuo ng matalinong mga opinyon at desisyon. Alamin kung paano positibong nagbabago ang ating lungsod at kung paano ito makakaapekto sa atin.

MATUTO PA
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
All content is in the public domain unless otherwise stated
ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.